Sabado, Marso 20, 2010
AKO
• Tamad akong Magsalita.
• Minsan akala mo badtrip ako dahil hindi ako nagsasalita, ang totoo nyan tinatamad lang talaga ako magsalita (authistic ako e).
• Madali akong magsawa sa usapang walang katuturan at boring- boring din kasi ako.
• May sense of Humor ako. (Meron talaga. Maniwala ka.)
• Mas gusto kong ubusin ang oras sa pagsusulat at pag-gigitara.
• Pag wala akong maisulat, nag-gigitara ako.
• Pumapapak ako ng langgam o kaya ipis.
• Siraulo ako.
• Alaskador. (di ako mahilig sa gatas)
• Ayoko ng maingay pag nagsusulat, utak ko lang dapat ang maingay.
• Kolektor din ako ng mga batong weird. (bato? as in drugs?)
• Adik ako.
• hindi ako mahilig sa matamis.
• Sumasali ako sa mga interesanteng salihan (patentero)
• Nakapag silbi na ako sa komunidad, simbahan, eskwelahan at sa bahay ng kapitbahay.
• Madaling araw na ako matulog.
• Hindi ako nagsusuklay.
• Ayoko sa taong may nakakalasong amoy. (bad breath? tok-pu?)
• Wala akong putok.
• Mahilig ako sa sport. Pero wala akong hilig sa sports.
• Marunong akong sumayaw at kumanta. (when i was in Grade 2)
• Naliligo ako.
• Ayoko ng bawang.
• Ayoko sa taong puro hangin ang ulo.
• Mahilig ako sa Music.
• Mahilig ako sa hayop (yung tototong hayop)
• Ayoko ng makalat.
• Ayoko sa Perfectionist.(kalokohan yun)
• Ayoko sa taong "plastik" at back stabber.
• Mahal ko ang pusa.
• Mahal ko din ang aso.
• Number 1 enemy ko ang ipis.
• Number 2 naman ang lamok.
• Idolo ko ang mga taong iniidolo ko.
• Mahal ko ang mga writers.
• Kumakain na ako ng ampalaya.
• Hindi ako umiinom ng gamot.(pag masakit lang ang ulo)
• Hindi ako nagkeketchup pag kumakain.
Panadol
habang tulala ako sa wall clock at ina antay ko na yung maliit na kamay ay tumuro sa 6 at yung malaki naman sa 12. Baket ba tuwing hapon nalang ay parang may maliit na nilalang na sumusundotsundot sa ulo ko? Para akong masususka , na parang naglilihing pusang gala, lalo pang nadagdagan ng dumating ang pakistano naming Driver na 1 week na yata ung suot nyang damit, dahil biglang umalingasaw ang kakaibang halimuyak………..walang Alaxan ,walang Biogesic, walang Medicol, bigla kung na alala na nasa ibang lumapalop ng mundo pala ako, wala nga pala dito tindahan ni Aling Nena na pwede kang bumili ng patingi tingi at minsan ay pwede pang lista…
Huwebes, Marso 18, 2010
Nang magkasalubong si Sonny at si Darna!
Naglalakad pauwi si Sonny (a.k.a. Sonia) sa kalsada, Patext-text lang siya habang naglalakad. May ka-textmate siyang isang ring Bading na indiano, ang pangalan ay Gurmuk singh (a.k.a Bibi Gandang Hari) na nakilala nya sa pinag-tatrabahohan nya. Tawa siya nang tawa dahil puro kabastusan ang pinag-uusapan nila sa text.
Hindi pa nakakalahati si Sonia. Ay mali! Sonny pala, pauwi sa kanila bahay nang biglang may nakita siyang isang eroplano na dahan-dahang pababa sa lupa, medyo natakot siya sa nakita, dahil nag-aapoy ito waring papunta sa kanila building.
SONNY: Hala! Nandoon sina itay at ang kapatid ko sa flat. Kailangan ko nang bilisan ang paglalakad dahil baka hindi nila alam na babagsak ang eroplano sa building.
Tinakbo na ni sonny ang daan patungo sa kanilag building, at ilang ulit nadapa at nag-pahinga si Sonia ay mali nanaman! Sonny nga pala. kasi subrang katabaan nya madali siyang napagaod. mistulang baboy na nagmamantika sa subrang pawis nya sa pagtakbo papunta sa kanilang building.
Nang biglang may sumigaw ng………………………………..DARNA!!!!
Nagtilan si Sonny sa kanyang narinig. Sigurado siyang ang sigaw na Darna ang kanyang narinig. Walang nang iba pa. Hinanap niya si Darna sa paligd para himingi ng tulong. Ngunit wala. Sinubukan pa niyang sumigaw wala pa ring nangyari.
Oo nga pala, Lumilipad si Darna. Wala siya sa lupa nasa ere. Tiyak niyang nauna na ito sa kanilang flat at ililigtas ang kanyang Tatay at kapitd.
Itinuloy ni Sonia. Ay P*t@ mali ahhh!!
Itinuloy ni Sonny ang pagtakbo. Mabilis na mabils.
Nang malapit nang bumagsak ang eroplano sa kanilang building saka niya nasalubong si Darna na palayo naman sa building.
SONNY: Darna, tulungan mo ang tatay ko at ang kapatid ko. Natutulog na sila ngayon. Mababagsakan sila ng eroplano!! Mamamatay sila!!
DARNA: Wala ng pag-asang iligtas sila, Huli na.
SONNY: Ano?
DARNA: Masyadong malaki ang eroplano. Sa oras na kunin ko sila madadamay akong matabunan ng eroplano.
SONNY: Ano?? Eh, hindi ba may kapangyarihan kang bilis at lakas?
DARNA: Hindi sapat. Kaya lumayo ka na. Baka madamay ka pa. Alis Na!!
SONNY: Hindi! Hindi ako aalis!! Ililigtas ko sila. Kahit ikamatay ko pa.
DARNA: Wag nang matigas ang ulo mo. Umalis ka na.
Nagpumilit si Sonny, Ililigtas niya ang kanyang pamilya.
DARNA: Sandali!!
SONNY: Bakit? Duwag ka Darna. DUWAG!!!
DARNA: Hindi ako duwag, Minsan ginagamit ang isip sa mas ikabubuti. Gusto kitang tulungan. Ngunit maari kang masaktan. May ibibigay ako sayo kung desidido ka talaga iligtas ang pamilya mo..
SONNY: Ano yon??
DARNA: Ang PUTING BATO…
…..……………………..SONIA!!!!!
….(ITUTULOY)….
DI…. WAKAS NA LANG….P*t@ laswa!!! Hahaha…..

Nasa Likod Lang Ako
Martes, Marso 16, 2010
Ay ipis
Walang hiyang Ipis yan. Akala mo Accommodation nila to, hindi naman sila nagtatrabaho sa TERNA ah. Masyado nilang inaangkin ang dapat e akin lamang. (ang drama) Yan ang problema ko ngayong araw. Habang nagsusulat nga ako ngayon, may Ipis na gumagapang sa desk ko.
wait ha…
(Ayon nakatakas, badtrip, babalikan kita mamaya, patay ka sa akin)
Nagsimula ang giyera ko sa mga Ipis kagabi, kasi pagpasok ko ng kwarto ko may Ipis na nakahiga sa kama ko. Naku hindi man lang nagpaalam. Basta basta na lang sila nakikialam ng mga bagay na hindi naman sa kanila. baka nga yung toothbrush ko, ginagamit na din nila.
Dahil nga sarap na sarap ang Ipis sa paghiga sa super bed ko. Sinalubong ko siya ng hampas mula sa paborito kong magazine. Buhay pa din, pero nanghihina na, umarangkada ng takbo. Iniikot nya yung antenna nya. Nagtawag siguro ng resbak. Pero hindi ko na hinayaang makatakbo pa siya. Kaya umarangkada na ako at PLAK! Dedbol na si Ipis. 1 for me 0 for the Ipis.
Nakita ng ibang Ipis ang ginawa ko sa pagpatay sa kalahi nila. Bigla tuloy nagpatupad ng martial law ang kumander nila. handa daw sila lumaban sa sinumulan ko. Medyo nanginginig tuloy ako ngayon. Buti na lang tinawag ako ni Dayananda para maginom ng Alak pampalakas ng loob. Nasa panganib yung pusa ni Mhel kaya pinapunta ko sa taas para safe siya. Nagsuot din na din ako ng bulletproof vest para siguradong makakaligtas ako kung ipabaril sa isang hitman.
Kinabukasan wala pa namang nangyayaring kababalaghan kumpleto pa ang mga parte ng katawan ko nung umaga. Nakahinga ko ng maluwag. Nakakatakot maging kalmado sa panahon ng civil war. Ang villa 52 laban sa cookie-sized Cockroach. Hindi dapat ako magpatalo, dahil hindi ko alam kung saan kami pupulutin pag ginawang beer house ng mga Ipis Kwarto namin.
Paguwi naming galing opisina nagmadali ako pumunta sa jumia supermarket para bumili ng isang dosenang insect spray. Baygon, Raid, Crocodile at Rexona. Iba’t-ibang brand pamatay insekto (at sa mga kasama naming may mga putok) para mas effective ang pagpuksa ko sa kalaban.
Paguwi ko walang tao sa villa. Pagpasok ko sa kwarto may naka dikit na papel sa pintuan ng ref. nakalagay, “Aldrin uuwi ako sa sharjah kasama ko rin si don2 punta rin dubai” sulat ni Mhel. Bigla ko tuloy naisip na sana di lang nilipat si domeng. Ako na lang mag-isa ang haharap sa kalaban. Kahit na malaki ako, madami naman sila, Kaya lugi pa din, Hinanda ko na yung mga trap sa paligid at kasuluksulukan ng kwarto namin habang may araw pa, dahil pagdating ng dilim, babangon na mula sa eskinita ang mag salot sa lipunan.
Naupo ako sa isang sulok, nakabalot ng sweater hawak ang baygon sa kanang kamay at jolly hotdog sa kaliwa. Hinihintay ang pagsugod ng kalaban, Sa butas-butas na kwarto na pagdadausan ng madugong laban. Hinihintay ko ang mga Ipis na lumabas, Papatayin ko silang lahat, Ay! Putek na mga Ipis yan walang lumabas, natakot siguro kasi nakahanda ako, at bigla nag text si Mhel “nagspray ako ng Baygon Kaninang umaga bago ako pumasok sa opisina”.
At dito na natapos ang aking laban sa mga Ipis. Hindi man madugo ang kinahinatnan ng aming laban,at least nawala na sila dito,Makakatulog na ako ng mahimbing simula ngayon, Or makakatulog ba talaga ko ng mahimbing….

Salamat sa Shawarma (Baniyas East)
Galing ako sa labas ng accommodation namin, bumili ako ng shawarwa para sa meryenda. Beryernes ngayon day off namin, nababagot na kasi ako sa pakikinig ng mp3 at kakalaro ng Farmville sa facebook. Sa labas malamig na ang hangin, buti nalang nag soot ako ng sweter. Naupo ako sa mesa habang hinihintay maluto ang aking order na pagkain. Sa aking pagkakaupo nakaramdam ako ng kalungkutan, palibhasa kasi mag-isa lang ako. Nasanay na ang aking mga mata sa mga pakistani, lokal, hindi at kung ano-ano pang ibang lahi na labas masok sa kainan isama mo na diyan ang kanilang pagkakahawig sa amoy. Ang amoy anghit ng isang tao na hindi naliligo ng tatlong buwan. “sadik!”, sabi ng tendero, wow luto na ang shawarma hehe medyo gutom nadin ako. Konti lang kasi ang aking kinain kaninang tanghali, galing sa tirang ulam dalawang araw ko nang iniinit. Habang kumakain ako, damang dama ko ang kakulangan. Yung pakiramdam na mag-isa lang ako sa gitna ng karamihan ay nakakalungkot na katotohanan. Bakit nga ba kelangan pang magyari ito sa akin. Bakit kelangan pa ng magtrabaho malayo ? Alam ko ang sagot sa tanong na ito, pero hindi matanggap ng sarili ko. Siguro kung pwede lang maglumpasay sa kinauupuan ko ginawa ko na. Ang dami kung iniisip, pati Diyos binibigyan ko na ng homework nya para sagutin ang mga tanong ko. Mag dadalawangtaong na ako dito at medyo matagal tagal nadin ang aking pagtiis. Kung titignan ko naman ang aking sahod maliit. Pero okey lang kesa magtambay ako sa Bicol. Hindi ko sinasabi sa nanay ko ang lahat ng nangyayari sa akin dito, baka lalo lang siyang mag-alala sa akin. Kaya pag nag-chat kami sa internet, laging sagot ko sa tanong nya, “Okey naman po ako, tumataba nga eh.” Minsan pintawag ako ng Boss namin, sabi ililipat nya na daw ako sa kabilang project. Sa harap nya sinabi ko na ayoko sa kabilang project kung gusto mo ttanggalin muna lang ako. “Ya Malaka Ray!”. “Ray, if i give you vacation, would you change your mind?” tanong nya sa akin. “I don’t know, maybe I would not comeback if you give me vacation”. Don’t worry “sabi nya” your salary will increase, I know its not easy to find job in the Phillipines, “dagdag pa nya” wow, tama ang sinabi nya, at alam ang dilemma ng mga Pinoy. Pero buo na pasya ko sinabi ko na wala naman ako maitutulong sa kumpanyang ito. Hindi naman ako Engineer. Isa lang naman akong Asst. Document Controller. Di ko alam kung ano ang nagustuhan nya sa akin. Hindi nya tinapos ang usapan namin, pag-isipan ko daw ng husto. Bilang pang huling salita tinanong nya ako. “what are the things that will make you change your mind?” sabi ko “nothing” sabay labas ako. Pagbalik ko sa opisina. tinanong ako ni Mhel. Kung ano daw ang pinag-usapan namin. At sinabi ko rin sa kanya na ayoko na. at sabi nya sa akin “Drin, kasama mo naman ako lilipat ah. Parang hindi tayo lagi magkasama dito, Saka anong gagawin mo doon? Tambay! Sige na Amigo amo.” “Sadik! Salah!” ang sabi ng tendero, pinalabas na ako kasi magsasara sila para sa kanilang dasal. Buti na lang naubos ko na ang aking kinain. Habang pauwi ako sa aming accommodation, dinig ko ang malakas na sigaw nila para sa pagdadasal. Bawat street kasi dito may mosque at lahat ng mosque may malalaking speaker para madinig ng lahat ang tawag sa “Salah.” Minsan nakakatulig na ang mga hiyaw sa tawag ng “Salah” para kasing laging Semana Santa dito, tunog kasi ng PABASA ang kanilang dasal. Napaka gandang praktis ang kanilang dasal. Hindi ko lang alam kung taos puso ang kanilang pagdarasal. Kelangan pa kasi nilang maghugas ng paa, kamay at ulo bago magdasal, at limang beses sa isang araw ang kanilang “Salah”. Naisip ko bakit kaya ang mga katoliko hindi gayahin ang ganitong Gawain. Ewan ko, pero para akong naiingit sa kanila kapag nagdarasal sila. Siguro na mimiss ko lang ang magsimba araw-araw, dito bihira kasi ako magsimba at malayo ang accommodation namin Ang rosary ko nga bihira ko nang nagagamit. Di tulad sa Bicol na malapit lang ang bahay namin sa simbahan. Meron din akong book of qur’an binigay ito ng isang katarabaho ko, basahin ko daw. Minsan kong binasa ng pahapyaw ang libro nila, pero tinamad akong ituloy. Hindi ko kasi nagustuhan ang mga nakasulat doon. Naisip ko, ano nga ba misyon ko lagar na ito? Kasi kung pera lang ang dahilan malamang hindi ako tagumpay. Wala rin akong ipon. Mahirap pa din ang buhay. Iyan ang katotohanan. Siguro isang karanasan lang nais iparating sa akin ng Diyos. Makilala ang ibat ibang katotohanan sa loob ng kahirapan bilang OFW. Makita ang mga sekreto at kahinaan ng mga kapwa ko Kristyano sa gitnang silangan. Na di siya kinikilalang Diyos. At maihambing ang Muslim at Katoliko, ang Islam at Kristiyanismo. Lahat ng ito ay siguro lang walang katiyakan. Kung ano ano man iyon, sana ay aking Makita at malaman.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)